MANILA, Philippines – Nagsimula na ang National Housing Authority (NHA) nitong Sabado, Agosto 19, na ipamahagi ang P20,000 na cash assistance sa mga pamilyang ang mga tirahan ay nasira ng Super Typhoon Egay noong nakaraang buwan.
Nasa kabuuang 641 pamilya ang nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.
Naglaan ang NHA ng kabuuang P50 milyon para sa naturang programa.
Layon ng ahensya na matapos ang distribusyon nito ngayong buwan. RNT/JGC