Home NATIONWIDE Higit 64K pasado sa Aug. 2023 CSC career service exam

Higit 64K pasado sa Aug. 2023 CSC career service exam

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) na mayroong mahigit 64,000 passers sa August 2023 Career Service Examination, Pen and Paper Test for Professional and Nonprofessional levels.

May kabuuang 345,293 examinees ang kumuha ng pagsusulit noong August 20, habang 373,638 ang inisyal na nagparehistro.

Mayroong 56,672 examinees na nakapasa sa professional level. Karamihan sa kanila ang galing sa National Capital Region, na may 10,759 passers, habang pinakamababa naman ang bilang ng mga pumasa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 309 passers.

Samantala 7,693 ang pasado sa subprofessional level ng pagsusulit. Nanguna muli ang National Capital Region sa listahan kung saan 1,789 examinees nito ang pumasa, at pinakamababa muli sa BARMM sa bilang na 13 passers.

Sa kabuuan, mayroong 64,635 pumasa.

Narito ang bilang ng mga pumasa kada rehiyon:

Professional category

  • Region 1 – 3,861

  • Region 2 – 3,489

  • Region 3 – 4,734

  • Region 4 – 7,196

  • Region 5 – 3,002

  • Region 6 – 3,929

  • Region 7 – 3,299

  • Region 8 – 2,350

  • Region 9 – 2,222

  • Region 10 – 2,462

  • Region 11 – 3,528

  • Region 12 – 1,652

  • NCR – 10,759

  • CAR – 2,593

  • CARAGA – 1,557

  • BARMM – 309

Subprofessional category

  • Region 1 – 574

  • Region 2 – 373

  • Region 3 – 718

  • Region 4 – 1,141

  • Region 5 – 375

  • Region 6 – 451

  • Region 7 – 588

  • Region 8 – 153

  • Region 9 – 194

  • Region 10 – 286

  • Region 11 – 243

  • Region 12 – 212

  • NCR – 1,789

  • CAR – 436

  • CARAGA – 147

  • BARMM – 13

Sa abiso na naka-post sa website, sinabi ng CSC na maaaring mag-request ang mga pumasa ng kanilang opisyal na Certificate of Eligibility mula sa CSC pagsapit ng December 4 mula sa opisina kung saan sila kumuha ng pagsusulit. RNT/SA

Previous articleWalang dagdag-presyo sa agri products pagsapit ng Kapaskuhan – DA
Next articleGuro, nobyo patay sa bangga ng kotse