Home NATIONWIDE Higit 6K colorum vehicles nasita ng LTO

Higit 6K colorum vehicles nasita ng LTO

MANILA, Philippines- Patuloy ang paghuli ng Land Transportation Office (LTO) sa unregistered o “colorum” vehicles, kung saan mahigit 6,000 sasakyan na ang nasita sa unang kalahati ng Hunyo.

Sinabi ni LTO chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II nitong Biyernes na 6,064 motor vehicles ang nahuli – 5,127 ay motorsiklo habang ang natitira ay four-wheeled vehicles.

“The renewal of the registration is not only an obligation to the government, it is also an obligation to yourself and your family because doing so would compel you to ensure the road worthiness of your motor vehicles, for your safety, for the safety of your loved ones,” pahayag ni Mendoza.

Sa kabuuan, 5,470 ang tiniketan habang 981 ang na-impound ang sasakyan.

“Mataas ang penalty at may kasama pang impound. Pero ang mas matindi dito at kung ang pagsasawalang-bahala natin ay mauwi sa aksidente,” giit ni Mendoza.

Sa nasabing period, nahuli rin ng LTO ang ilang several colorum public utility vehicles – 34 pampasaherong jeep at pitong passenger buses.

“Patuloy nating ipapatupad ng mahigpit ang patakaran ito. Huwag na nating hintayin na magka-aberya pa bago gawin ang tama na pagpapa-rehistro ng inyong sasakyan,” sabi ni Mendoza.

Noong Hunyo 11, inanunsyo ng LTO ang “no release” policy para sa impounded colorum PUVs sa kabila ng pagbabayad ng multa. RNT/SA