Home METRO Higit 700 deboto inasistihan ng PH Red Cross sa Traslacion

Higit 700 deboto inasistihan ng PH Red Cross sa Traslacion

MANILA, Philippines- Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na kinailangang bigyan ng atensyong medikal matapos maipit sa Traslacion nitong Martes, Enero 9.

Sa pinakahuling update ng Philippine Red Cross (PRC) volunteers, umabot sa kabuuang 706 ang mga sugatan, nahilo, nahiwa, nawalan ng malay.

Ang 257 rito ay sinuri ang vital signs habang nakapagtala rin ng 215 minor cases at anim na major cases.

Ang iba pang kaso ay kinailangan dalhin ng PRC sa Emergency Field Hospital (EHF).

Kasama rin ang isang buntis sa sinuri ng PRC at dinala sa medical facility matapos manakit ang tiyan at isang indibidwal na nagtamo ng second-degree burn.

Batay sa pinakahuling update sa Traslacion ng PRC, kabuuang 34 na indibidwal ang nangangailangan ng transportasyon: 23 ang dinala sa (PRC EFH), apat sa Philippine General Hospital (PGH); dalawa sa JRRMC; dalawa sa Tondo Med; isa sa OSMA; at dalawa sa EFH ICP).

Nagbigay din ang PRC ng welfare assistance sa siyam na indibidwal na kinabibilangan ng Psychosocial First Aid, tracing, at referral.

May kabuuang 185 responders ang binigyan din ng mainit na pagkain.

Upang tumugon sa mga emergency na kaso, naglagay ang PRC ng 10 First Aid Stations at 10 Welfare Desk para sa Traslacion ngayong taon.

Bukod sa Emergency Field Hospital, nagpakalat din ang PRC ng 18 ambulansya, isang fire truck, isang food truck, at isang rescue boat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTraslacion 2024 mapayapa – NCRPO
Next articleKapistahan ng Itim na Nazareno ipinagdiwang din sa Northern Samar, Tacloban City