
Mahigit 72,000 examinees ang pumasa sa licensure examination para sa professional elementary at secondary teachers na ibinigay noong Marso ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board for Professional Teachers (BPT).
Matagumpay na nakapasa ang 24,819 elementary teachers mula sa 60,896 examinees habang 48,005 secondary teachers mula sa 102,272 examinees, ayon sa PRC at BPT.
Ginawa ang licensure exams noong Marso 19,2023 sa 37 testing centers sa buong bansa.
Inanunsyo rin ng PRC na mula sa 24,819 elementary teacher passers, first timer dito ang 19,390 at 5,429 ang repeaters.
Para sa secondary teachers, 39,890 ang first timers at 8,115 ang repeaters. Jocelyn Tabangcura-Domenden