Home NATIONWIDE Higit 800 aplikante natanggap sa DOLE job fair

Higit 800 aplikante natanggap sa DOLE job fair

MANILA, Philippines- May kabuuang 806 jobseekers ang natanggap sa unang tatlong araw ng aktibidad para sa nationwide job fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Iniulat ng ahensya nitong Huwebes na 6,138 jobseekers ang nagtungo sa job fair sa nasabing panahon.

Sa bilang na ito, 440 aplikante ang nai-refer sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa  skills training; 290 sa Bureau of Workers with Special Concerns for livelihood assistance; at 167 sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa  entrepreneurship development.

Samantala, nakuha ng 2,056 na iba pa ang onsite government services.

Sa update ng DOLE, 41,593 na iba pang bakanteng trabaho ay available sa sumusunod na job fairs.

National Capital Region

  • Malabon Sports Complex, Malabon City (December 6)

  • Vista Mall, Taguig City (December 6)

  • Barangay Hall, Barangay Poblacion, Pateros (December 7)

  • Barangay Sta. Ana, Pateros (December 7)

Ilocos Region

  • Pangasinan Provincial Capitol, Lingayen (December 7)

Western Visayas

  • SM City Iloilo, Iloilo City (December 7)

Central Visayas

  • Poblacion, Madridejos, Cebu (December 6)

  • SM Seaside, Cebu City (December 8)

SOCCSKSARGEN

  • Notre Dame of Marbel University (December 14)

Inorganisa ang nationwide job fair ng DOLE sa selebrasyon ng 90th anniversary ng humigit-kumulang 340 employers para sa domestic at overseas jobs na nakilahok sa buong bansa.

Kailangan lamang na magbigay ng mga kinakailangang application requirements ang mga jobseekers tulad ng updated resume, certificate of employment, diploma, transcript of records, at training certificates, bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEx-kagawad nalambat sa buy-bust ops
Next articleEnd-to-end encryption ng Messenger, Facebook chats ikakasa ng Meta