Home NATIONWIDE Higit 82.81M Pinoy rehistrado na sa national ID – PSA

Higit 82.81M Pinoy rehistrado na sa national ID – PSA

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Disyembre 28 na mahigit 82.81 milyong Filipino ang nakarehistro na sa national ID o Philippine Identification System (PhilSys) mula nang ilunsad ito noong 2020.

Hanggang noong Disyembre 18, 82,812,899 Filipinos na ang nakapagpatala sa national ID, kung saan 90% ito ng 92 milyong target na registration.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ang PSA ay “exerting all efforts to ensure coverage of Filipinos who have not yet registered.”

Inihayag ng PSA ang hakbang ng mga tauhan nito na abutin ang liblib at malalayong lugar sa Pilipinas, katulad ng Agusan del Norte upang umasiste sa mga residente sa pagpapalista sa national ID.

Naabot din ng mga ito ang miyembro ng local Badjao communities upang mairehistro ang mga ito sa PhilSys, maging ang pagbibigay sa kanila ng Certificates of Live Birth sa pamamagitan ng PhilSys Birth Registration Assistance Project.

Iniulat ng PSA na hanggang Disyembre 18, nasa 48.77 milyong PhilIDs na ang naipadala for delivery ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 44.8 milyon ang naihatid na ng Philippine Postal Corporation.

Dagdag pa ng PSA, mahigit 44.14 ePhilIDs naman ang naisyu na.

Sinabi pa ng kagawaran na pinamamadali na nila ang printing at delivery ng PhilIDs maging ang pagbibigay ng ePhilIDs. RNT/JGC

Previous articlePamilya ng top NPA leaders kabilang sa 10 nasawi sa Bukidnon Christmas clash
Next articleBong Go: MMFF, lokal na pelikula suportahan