Home NATIONWIDE Higit 8,600 menor huling lumabag sa vaping, smoking law – PNP

Higit 8,600 menor huling lumabag sa vaping, smoking law – PNP

MANILA, Philippines – Mahigit 8,600 menor de edad ang nahuling lumabag sa vaping at smoking laws mula Mayo hanggang Disyembre noong nakaraang taon, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Marso 18.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nilabag ng mga menor de edad na ito ang Executive Order 26 sa smoke-free environment at ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

“Meron na po tayong kinonduct na operation na 340,161. Iyan po ay for violation ng E0 26. Ang number po ng violations po ay 121,579 at 6,714 po diyan ay mga minors po,” aniya sa isang press conference.

“Meron na pong mga naaresto po na mga adult naman po for violation of RA 11900 (the Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act). Ang violation po nasa 30,301, ang number ng violations po ay nasa 8,299 at 1,902 po doon ay minor,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Fajardo na karamihan sa mga menor de edad na ito ay pinalaya na sa kanilang mga magulang. Ayon kay Fajardo, pinagsabihan lamang ang mga naakusahang menor de edad dahil sa kanilang mga paglabag.

Sa dami ng mga menor de edad na tumatangkilik sa e-cigarettes, sinabi ni Fajardo na nakipagpulong si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa PNP para sa pagpapatupad ng mga batas sa paninigarilyo at vaping.

“Ito nga po yung primary intention kung bakit nakipagpulong nga po no less than the Secretary of the DOH because they were concerned doon po sa lumalaking bilang ng tumatangkilik na mga minors ng e-cigarettes,” aniya pa.

Kasalukuyang tinatapos ng PNP ang ilang implementing guidelines kaugnay ng kanilang pagsisikap na ipatupad ang mga batas sa paninigarilyo at vaping, lalo na sa mga menor de edad.

Noong Marso 6, nagpahayag ng suporta ang DOH sa panukala ni Finance Secretary Ralph Recto na ipagbawal ang mga disposable vape products sa Pilipinas.

Sinabi ng DOH na lahat ng vape products sa pangkalahatan ay nagreresulta sa malaking panganib sa kalusugan, kabilang ang e-cigarette o vaping product use-associated lung injury, nicotine addiction, at respiratory at cardiovascular disease.

“Ginawa rin ang mga disposable vape gamit ang plastic at mga baterya na hindi madaling ma-recycle o nabubulok. Ang mga bagay na ito ay nagreresulta sa mga elektronikong basura (e-waste) na naglalaman ng mga mapanganib na kemikal na maaaring tumagos sa mga pinagmumulan ng lupa at tubig, na nagdudulot ng mga panganib sa kapaligiran at kalusugan ng publiko,” dagdag ng ahensya.

Iminungkahi ni Recto nitong Martes na ipagbawal ang mga disposable vape sa bansa, dahil karamihan sa mga ito ay hindi rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) at hindi nagbabayad ng excise taxes. RNT

Previous articleMas maraming scholarship opportunities sa Canada alok sa Pinoy — DOST
Next article34K parak ikakalat sa Oplan Semana Santa