Home NATIONWIDE Higit 8M bata bakunado na vs measles, rubella – DOH

Higit 8M bata bakunado na vs measles, rubella – DOH

MANILA, Philippines – Nabakunahan na ang nasa 8,164,031 na mga bata o 84% ng populasyon ng Department of Health sa kanilang Measles-Rubella-bivalent Oral Polio vaccine supplemental immunization activity (MR-OPV SIA) mula Mayo hanggang Hunyo 2023.

Sinabi ng ahensya na target ng kampanya ang siyam hanggang 59 months na mga bata na magkaroon ng isang dose ng measles at rubella vaccine.

“However, to achieve quality SIA, the target to be attained is at least 90% of the target population. Partial unofficial data on the coverage for two doses of Measles-containing vaccine as of September 2023 is at 45.52%,” saad sa pahayag ng DOH.

Ipinaliwanag ng Health department na ang measles at rubella cases ay “showing a steady uptrend with cases in the recent three to four weeks (October 29 to November 11) 6 percent higher.”

“Additionally, a total of 442 cases were reported in the recent four weeks. At the regional level, Regions I, IV-A, and IX showed continuous increase in the recent six-weeks period (October 15 to November 25), while NCR, Regions III, V, XI, XII, and BARMM showed case increases in the recent 3-4 or 1-2 weeks, reporting 2 to 253 new cases in the recent four weeks,” dagdag pa niya.

Iniulat ng DOH ang 2,594 measles at rubella cases hanggang noong Nobyembre 25.

Iginiit ni Health Secretary Ted Herbosa na maaaring maiwasan ang measles at rubella cases sa pamamagitan ng bakuna, at karamihan sa mga kaso ay gumagaling naman.

“Iyong measles, self-limiting. They usually recover. But because the immune system of the kid is mababa, napapasukan sila ng bacterial pneumonia. Again, this is a respiratory illness. Doon sila namamatay, broncho-pneumonia, which is usually bacterial. So opportunistic iyan, dahil nagka-measles sila, mahina ang katawan tapos dadapuan ng second illness,” ayon kay Herbosa sa press conference noong nakaraang linggo.

Nanawagan ang health department sa lahat ng sektor at ahensya ng pamahalaan na magtulong-tulong sa pagbabakuna sa mga bata. RNT/JGC

Previous articlePBBM admit nakatutok sa pag-abot sa single-digit poverty rate – NEDA
Next articleMiyembro ng Cirilo Criminal Group, timbog sa boga