MANILA, Philippines- Mahigit walong milyong bata ang nabakunahan laban sa tigdas at polio, halos isang buwan matapos ilunsad ng Department of Health ang nationwide immunization drive laban sa highly transmissive ngunit preventable infectious disease.
Batay sa pinakahuling tala ng DOH, 6,750,475 na bata ang nabakunahan laban sa tigdas. Katumbas ito ng hindi bababa sa 69.56 porsyento ng karapat-dapat na populasyon para sa mga bakuna sa tigdas at rubella.
Umakyat naman sa 2,024,747 ang bilang ng mga batang nabakunahan laban sa polio o hindi bababa sa 62.72 ng target ng DOH.
Advertisement