Home NATIONWIDE Higit 9K estudyante sa Valenzuela tumanggap ng nutribun

Higit 9K estudyante sa Valenzuela tumanggap ng nutribun

108
0

MANILA, Philippines – May kabuuang nasa 8,914 daycare students ang tumanggap ng nutribun (nutritious bun) sa Valenzuela City nagsimula nitong Biyernes, Pebrero 3, sinabi ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Weslie “Wes” Gatchalian kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang paglulunsad at pamamahagi ng food packs na naglalaman ng “enhanced nutribun” ng lungsod sa 217 daycare students sa Dalandanan Multi-Purpose Center, Valenzuela City noong Biyernes.

Ayon kay Gatchalian, ang kaganapan ay nagsisilbing pormal na muling paglulunsad ng feeding program dahil pansamantala itong natigil sa kasagsagan ng pandemya.

Aniya, magkakaroon ng mga food patroller na maghahatid ng nutribun sa lahat ng 90 daycare centers sa lungsod.

“Dito po sa Valenzuela ay sinusuportahan namin ang importansya ng mga mag-aaral simula sa child development centers hanggang sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo,” pahayag ni Dorothy Go-Evangelista.

Aniya, layunin ng nutribun na magkaroon ng ready-to-eat meal at mayroon itong tatlong variant ng carrot, squash, at sweet potato flavors.

Sinabi ni Evangelista na ang supplemental feeding program ay bahagi ng award-winning campaign ng lungsod na tinatawag na Education 360 Investment Program, na naglalayong iangat ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Alinsunod sa kaganapan, nagsagawa din ng height-weight check-up at parent-nutrition education session upang turuan ang mga guardian ng mga mag-aaral tungkol sa tamang nutrisyon sa pagkain. Merly Iral

Previous articleObrero isinelda sa pagnanakaw sa Navotas
Next articlePacquiao sasagupa vs pro wrestler Kota Ibushi