Home METRO Higit-kumulang 20 suspek sa Ramadan ambush sinisilip ng AFP

Higit-kumulang 20 suspek sa Ramadan ambush sinisilip ng AFP

MANILA, Philippines- Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes na hindi pa nito nahuhuli ang mga teroristang nanambang at pumaslang sa apat na sundalo nitong weekend, at sinabing patuloy ang kanilang manhunt operation. 

“Pursuit operations in progress… We don’t have the exact number of suspects, [but we] believe they are circling the area,” pahayag ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa isang panayam.

Paglalahad niya, tinatayang nasa 20 ang bilang ng mga suspek.

Isinisisi ang pagpatay sa apat na sundalo sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo sa terror group Dawla Islamiyah – Hassan Group. Pabalik na ang mga militar matapos bumili ng pagkain para sa iftar nang atakihin sila.

Ani Padilla, maaaring paghihiganti ang mitsa ng pag-atake ng grupo kasunod ng pinaigting na operasyon ng militar laban sa kanila.

“This is believed to be retaliation because they are losing support,” pahayag niya, at inilahad na kasalukuyang nahaharap ang grupo sa “leadership vacuum” at “dwindling in numbers.”

Nilalayon ng AFP na buwagin ang terror sa pagtatapos ng taon, wika ni Padilla.

“Hopefully by the end of the year maubos na natin ang puwersa nila.”

Iniulat naman ng AFP na nakapagbigay na ito ng financial assistance sa mga pamilya ng apat na sundalong napatay sa ambush. RNT/SA

Previous articleBea at Julia, bati na; Darren, namagitan!
Next articleKabataang Navoteño sasanayin sa sports