Home METRO Higit P1.1M tobats nakumpiska, tulak timbog Pasay buy bust

Higit P1.1M tobats nakumpiska, tulak timbog Pasay buy bust

MANILA, Philippines – Umabot sa P1.19 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska habang arestado naman ang isang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Miyerkules ng madaling araw (Pebrero 21) sa Pasay City.

Sa inisyal na report ng NCRPO ay kinilala ang nadakip na suspect na si alyas Nonoy, 22 habang mabilis namang nakatakbo ang kasabwat nito na si alyas Danny.

Ayon sa NCRPO, naganap ang pag-aresto sa suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng RDEU sa panulukan ng Captain Merong at M. Acosta Streets, Barangay 77, Pasay City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa ikinasang operasyon ay nakumpiska sa posesyon ng suspect ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.19 milyon gayundin ang marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act Law) si alyas Nonoy na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng (RDEU-NCRPO). (James I. Catapusan)

Previous articlePagbenta ng Sky Cable sa PLDT ‘di na tinuloy
Next articleMister utas sa selos