Home METRO Higit P1.6M ecstasy naharang ng BOC-NAIA

Higit P1.6M ecstasy naharang ng BOC-NAIA

MANILA, Philippines- Mahigit P1.6 milyong halaga ng ecstasy ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) makaraang maharang ang isang inbound express cargo na idineklara na naglalaman ng mga bitamina, supplement, baby wash at body wash sa isinagawang operasyon sa DHL Express Gateway Warehouse sa NAIA noong Nobyembre 9, 2023.

Ayon sa BOC, sumailalim sa 100% physical examination ang nasabing kargamento makaraang makakita ng kahina-hinalang larawan sa x-ray scanning dito. Dahil dito, nadiskubre ang nasa 995 piraso ng tablet na umano’y ecstasy o methylenedioxymethamphetamine, na may kabuuang tinatayang kalye. halagang P 1,691,500.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), kapwa ang shipper at consignee ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon at case build-up para sa posibleng prosecution para sa mga paglabag sa RA 9165 at RA 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization Act (CMTA).

“The Bureau of Customs under my watch will remain relentless in our border protection efforts, which include our crusade against all nefarious attempt to smuggle dangerous drugs and all anti-social goods and contraband. This successful interception is a testament of the unwavering border protection efforts of our personnel in coordination with our partner enforcement agencies to prevent the spread of illegal narcotics into the country,” ani BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio. JAY Reyes

Previous articlePH ambassador sa Tsina pauwiin na – solon
Next articleRelasyon nina VP Sara, Kamara mas bubuti sa kabila ng isyu sa confi fund