Home NATIONWIDE Higit P103M shabu nasabat ng BOC

Higit P103M shabu nasabat ng BOC

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P103.1 milyon halaga ng shabu ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BO) Port of Clark nang maharang nila ang tatlon parsela na pawang mga idineklara na naglalaman ng “brochure”.

Ayon sa BOC, minarkahan ng X-ray Inspection Project ng port ang tatlong parcel na idineklara bilang “brochure” na nagmula sa Texas, Pennsylvania, at Illinois, USA makaraang dumating noong Disyembre 18, 2023. Matapos magsagawa ng physical inspection, napag-alamang naglalaman ang mga ito ng mga plastic pouch na naglalaman ng mga puting crystalline materials na hinihinalang Shabu.

Kinumpirma ng PDEA chemical laboratory analysis na ang mga substance ay nagtataglay ng Methamphetamine Hydrochloride, karaniwang kilala bilang “Shabu”, isang mapanganib na gamot sa ilalim ng R.A No. 9165.

Dahil dito, naglabas si District Collector Erastus Sandino Austria ng Warrants of Seizure and Detention laban sa mga subject shipments para sa paglabag sa R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) kaugnay ng R.A. No. 9165. JAY Reyes

Previous article1% withholding tax ipinataw ng BIR sa online sellers
Next articleBarbie, wapakels sa isyu nina Jak at Ave!