Home HOME BANNER STORY Higit P116M jackpot ng Grand Lotto 6/55 tinamaan!

Higit P116M jackpot ng Grand Lotto 6/55 tinamaan!

MANILA, Philippines – Maswerteng tinamaan ng isang mananaya ang mahigit P116 milyon jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado, Nobyembre 11.

Kasabay nito ay may nanalo ring P10 milyon sa draw ng Lotto 6/42.

Ayon sa website ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination number sa Grand Lotto 6/55 ay 52-08-41-11-27-31, na may kabuuang premyo na
P116,554,053.80.

Mayroon namang 19 mananaya ang nanalo ng second prize sa papremyong P100,000.

Samantala, mayroon namang isang mananaya ang nanalo ng P10,874,702.20 jackpot sa kasabay nitong Lotto 6/42 draw na ang winning combination number ay 03-28-17-11-26-16.

Umabot naman sa 72 mananaya ang nanalo ng P24,000 sa second prize ng naturang draw. RNT/JGC

Previous articleShear line magpapaulan sa Central Luzon
Next articleDuterte family dumaraan sa pagsubok sa politika – VP Sara