Home NATIONWIDE Higit P160M lotto jackpots ‘di napanalunan

Higit P160M lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Walang nanalo ng jackpot sa dalawang major lotto draw na ginanap ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Lunes ng gabi, Marso 18.

Hindi nagawang matumbok ng mga mananaya ang Mega Lotto 6/45 jackpot na P19 milyon dahil hindi nahulaan nang tama ang 45-31-20-15-22-19 na winning digits.

Sa  Grand Lotto 6/55 draw ay wala ring nanalo ng jackpot para sa mga numerong 13-41-05-50-49-54, na may kabuuang premyong P143.7 milyon.

Samantala, ang mga nanalong numero para sa digit na laro ay 1-1-9-1 para sa 4D Lotto, 3-7-9 para sa 3D Lotto, at 11-25 para sa 2D Lotto. RNT

Previous articleIsolated rains posible sa ilang parte ng Pinas sa easterlies
Next articlePaglikha ng Bulacan Special Economic Zone, Freeport aprub na sa Senado