Home METRO Higit P18M cocaine, nabisto sa Clark International Airport

Higit P18M cocaine, nabisto sa Clark International Airport

284
0

MANILA, Philippines- Nadiskubre ng mga awtoridad ang mahigit P18 milyong halaga ng hinihinalang cocaine sa Clark International Airport sa Pampanga.

Batay sa ulat nitong Miyerkules, nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) ang umano’y cocaine sa bagahe ng isang South African.
Advertisement

Nasa 30 packs ng iligal na droga na binalutan ng tela, carbon paper, at itinago sa mga jacket ang nakumpiska mula sa suspek.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Wala namang komento ang dayuhang suspek. RNT/SA

Previous articlePBBM sa DICT: LGUs gabayan para maka-adapt sa e-Gov system
Next articleRachelle Ann, nawindang sa presyo ng gulay sa Pinas, na-bash!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here