MANILA, Philippines- Nadiskubre ng mga awtoridad ang mahigit P18 milyong halaga ng hinihinalang cocaine sa Clark International Airport sa Pampanga.
Batay sa ulat nitong Miyerkules, nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) ang umano’y cocaine sa bagahe ng isang South African.
Nasa 30 packs ng iligal na droga na binalutan ng tela, carbon paper, at itinago sa mga jacket ang nakumpiska mula sa suspek.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.