Home NATIONWIDE Higit P58.9M Grand Lotto 6/55 jackpot, nasolo!

Higit P58.9M Grand Lotto 6/55 jackpot, nasolo!

224
0

MANILA, Philippines- Napanalunan nitong Miyerkules ang jackpot prize na mahigit P58 million para sa Grand Lotto 6/55.

Tumama ang mananaya sa kombinasyong 05-01-27-26-44-11 para sa jackpot prize na P58,983,172.20.

Ito ang ikalawang sunod na araw na tumama ang bettor ng jackpot matapos makamit ng isang mananaya ang winner Lotto 6/42 top prize noong Martes.

Wagi ang kombinasyong 10-19-31-27-18-25 ng Lotto 6/42 jackpot na P5,940,000 nitong Martes.

Binili ng mananayang nagkamit ng 6/42 jackpot ang ticket sa Bagong Buhay, San Jose Del Monte sa Bulacan.

Gayundin, isa pang mananaya ang nakakuha ng Lotto 6/42 jackpot noong Sabado.

Ang winning numbers ay 18-25-12-14-13-22 para sa jackpot prize na P61,234,178.20.

Nabili ang nasabing ticket sa Las Piñas.

Wala namang nanalo sa Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules.

Lumabas ang kombinasyon ng 24-08-29-18-44-39 para sa jackpot na P49,500,000. RNT/SA

Previous articlePaghahanda ng Gilas Pilipinas nasa tamang landas – RDO
Next articleGrant Williams kinuha ng Mavericks

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here