Higit P800K tobats, timbog sa 3 suspek sa Sampaloc

Higit P800K tobats, timbog sa 3 suspek sa Sampaloc

May 20, 2020 @ 3:40 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa P828,000 halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga Manila Police District (MPD) sa tatlong indibiduwal sa Sampaloc, Maynila kagabi ng Martes.

Nagkasa ng buy bust operation ang Pandacan Police Station 10, Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) kung saan nasa mahigit kumulang 125 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdulkarin Shim, 33; Bainora Mandala It, 26; at  Bin Abdel Aziz Damil, 37-anyos, may-asawa at kapwa mga residente ng A Mendoza St,  Sampaloc, Maynila.

Sa harap nang bahay kung saan nakatira sina Shim at Mandala It nakipagtransaksyon ang mga operatiba na nagpanggap na bibili ng iligal na droga.

Nang mabentahan na ang mga poseur buyer ay dito na dinamba ang mga suspek.

Inihahanda na ng MPD-PS 10 ang kasong isasampa laban sa mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...