Higit sa 200 drug suspects, naaresto; P23.7M droga, nasamsam sa NCR

Higit sa 200 drug suspects, naaresto; P23.7M droga, nasamsam sa NCR

December 27, 2019 @ 2:55 PM 7 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nasa higit 200 katao ang arestado habang mahigit P23 milyon naman ang halaga ng mga nasamsam na iligal na droga sa isinasagawang “one-time, big-time” na operasyon ng pulisya sa Metro Manila.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Brig. Gen. Debold Sinas na mula Disyembre 24-26, 240 ang kabuuang operasyon ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng 445 drug personalities at pagkakakumpiska sa 3,493.03 kilo ng shabu na nagkakahalagang P23.752 milyon habang 7,210.63 gramo naman ng marijuana na may halagang P864,835.

“Total seizure is PHP23 million pesos for the last two days,” ani Sinas sa isang press briefing sa Quezon City Police District (QCPD) station 10.

Ang Northern Police District ang may pinakamaraming halaga ng nasamsam na droga na may halagang P10,994,104; Southern Police District na may P8,323,336; QCPD – P1,980,364; Eastern Police District na may P1,260,584; at Manila Police District na may halagang P1,194,243.

Sa dalawang araw na operasyon, sinabi ni Sinas na nasa 5 hanggang 10 gramo ang pinakamababang bilang ng nakumpiskang droga.

Sa pamamagitan ng Simultaneous Enhanced Managing Police Operations program, nakapagsagawa ng operasyon ang pulisya laban sa iligal na droga, mga di rehistradong armas at felons.

Samantala, 34 naman ang naaresto mula sa mga hindi rehistradong armas kung saan nakumpiska ang 49 small arms, three light arms at isang pampasabog.

Sinabi pa ni Sinas na sa 181 na operasyon, 8 sa mga most wanted ang naaresto at 172 naman na iba pa ang nahuli.

Aniya, ang pagbabago ng istratehiya ng pulisya na labanan ang mga krimen, iligal na droga at mga di rehistradong armas ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang mga operasyon.

Ayon naman kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge, Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, nakatuon na lang ang operasyon sa mga “specific wanted suspects”.

“Kung sino ang target ng operation, siya lang ang huhulihin natin,” ani Gamboa. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...