Home NATIONWIDE Higpit-seguridad para sa Pasko, Bagong Taon ipinakakasa sa police commanders

Higpit-seguridad para sa Pasko, Bagong Taon ipinakakasa sa police commanders

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Gen. Benjamin Acorda, Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), sa lahat ng police commanders sa buong bansa na higpitan ang security measures upang matiyak ang mapayapang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Partikular na inatasan ni Acorda ang police commanders na magsagawa ng target-hardening measures sa vital installations at police visibility sa inaasahang places of convergence sa Kapaskuhan tulad ng mga simbahan at mga mall.

Inihayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na bahagi ng security measures ang kanselasyon ng lahat ng leaves of absence ng mga pulis simula Dec. 15 upang matiyak ang sapat na bilang ng mga pulis sa pagpapairal ng security measures.

“We will sustain maximum police presence in places of worship, transportation hubs and terminals, major thoroughfares and places of convergence where we expect the influx of more people,” ani Fajardo.

Subalit, binigyang-diin ni Fajardo ang kooperasyon ng publiko sa implementasyon ng security measures, at sinabing dapat ding maging alerto ang mga Pilipino at sumunod sa mga alituntunin na ipinatutupad ng government agencies partikular sa mga daungan at terminal.

Inaasang dadagsa ang mga Katoliko sa mga simbahan para dumalo sa Simbang Gabi.

Gayundinm, sa pinaghahandaan ang mahabang Christmas break, partikular sa mga estudyanteng magbabakasyon. RNT/SA

Previous articleDarren, nagkaroon ng wardrobe malfunction sa Qatar!
Next articleUS, EU envoys nabahala sa pag-atake ng Tsina sa Christmas convoy