Home NATIONWIDE Higpit-seguridad sa transport terminals ikakasa ng PNP

Higpit-seguridad sa transport terminals ikakasa ng PNP

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) nitong Lunes na aatasan nito ang security agencies na higpitan ang pagbabantay sa transport terminals kasunod ng shooting incident sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija nitong nakaraang linggo.

“We will be issuing an advisory to all security agencies, especially those manning the different terminals, to intensify their deployment visual inspection kasi kailangan pong higpitan ng ating mga gwardya ang mga pumapasok na bagahe sa mga sasakyan,” pahayag ni PNP-SOSIA chief Police BGen. Gregory Bogñalbal. 

“Ipag-uutos natin ‘yan sa kanila,” aniya sa Camp Crame sa Quezon City nitong Lunes.

Binigyang-diin ni Bogñalbal ang kahalagahan ng pagsasailalim sa mga pasahero at mga kagamitan nila sa mahigpit na inspeksyon.

“Iba ginagamitan nila ng detector ‘yan. Meron silang mga detector na ginagamit bago i-load sa sasakyan. Iikutan ng aso, at the same time, may metal detector sila bago ikarga sa sasakyan,” pahayag niya.

Ayon kay Bogñalbal, kamakailan ay sinuri nila ang kapabilidad ng K9 units na nakatalaga sa mga terminal.

“Aside from that, nag-initiate na rin kami ng mga inspection sa K9 na nakadeploy sa bawat terminal at tinitignan namin ‘yung kakayahan ng aso kung updated ba sila sa training at kung capable pa ba silang mag-detect ng dapat i-detect diyan,” aniya pa.

Patuloy niya, “Nag-conduct kami ng samples at lahat ng aso na chineck namin are still capable of identifying specially the explosives.”

Sinabi ng PNP-SOSIA na maaaring maharap ang security guards at kanilang mga ahensya sa mga kaso sakaling mapatunayang nagpabaya..

“They may be liable for less grave offense or neglect of duty. We will conduct an investigation if may formal complaint. Or even without the formal complaint, may power naman kami to conduct investigation,” pahayag ni PNP-SOSIA legal officer Police Capt. Geronimo de Guzman Jr.

Nasawi sa November 15 shooting incident ang dalawang business owners habang sakay ng isang bus sa Carranglan, Nueva Ecija.

Makikita sa footage ng insidente ang dalawang gunmen na tumayo saka nilapitan ang mga niktima at pinagbabaril ang mga ito. Matapos ito ay pinabuksan nila ang pinto ng bus at dagling tumakas.

Sumakay umano ang mga biktima sa bus sa Cauayan City, Isabela, habang ang dalawang gunmen ay sumakat sa Bayombong, Nueva Vizcaya. RNT/SA

Previous articleLebel ng tubig sa Angat dam umabot sa target
Next articleDeliberasyon sa Senado sa 2024 nat’l budget tapos na!