Home NATIONWIDE Hiling na sibakin si Teves, ibinasura!

Hiling na sibakin si Teves, ibinasura!

755
0

MANILA, Philippines- Ibinasura ng House Committee on Ethics and Privileges ang hiling ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo, asawa ng napaslang na si Govenor Roel Degamo na patalsikin bilang miyembro ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr.

Ayon kay Ako Bicol Raul Angelo Bongalon Vice Chairman ng nasabing komite na kanila nang inimpormahan si Ginang Degamo ukol sa naging desisyon.

Ipinaliwanag ni Bongalon na ang pagbasura sa reklamo ay dahil hindi ito nakasunod sa itinakdang requirements.

“Pursuant to our rules, ‘yung letter niya po kasi is hindi po under oath, that’s why the committee treated it as not filed. The complaint was not able to qualify or pass on its requirement in form and in content. Unang-una, it is not a sworn complaint,” ani Bongalon.

Ang nasabing komite ay nakatakdang muling magpulong sa susunod na Linggo para talakayin ang pagkapaso ng ipinataw na 60 araw suspensyon laban kay Teves.

Una nang sinabi ng House leadership na nanatiling isa sa opsyon ang pagpapatalsik kay Teves sa oras na matapos ang suspensyon na ipinataw dito. Gail Mendoza

Previous articleEx-PDEA head kay Azurin: ‘Boss’ ni Mayo, iniimbestigahan din sa droga!
Next article₱5M puslit na sigarilyo, nasamsam!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here