Home OPINION HILING NG MGA MAHIHIRAP, IBALIK ANG “FACE TO FACE” TULONG MEDICAL SA...

HILING NG MGA MAHIHIRAP, IBALIK ANG “FACE TO FACE” TULONG MEDICAL SA PCSO

Ang panawagan ng mga mahihirap na pasyente sa Philippine Charity Sweepstakes Office  na ibalik ang “face to face” ang pagsumite ng kahilingang medical at alisin ang online transactions para sa mga nasa National Capital Region, dahil hindi naman sila nakapapasok sa online transaction ng PCSO.
Nakakaawa ang mga pasyente hindi makalabas sa hospital dahil na hindi sila makalapit sa PCSO mula naging online appli­cation. Ang hinaing ng mga pasyente, dati-rati, maaasahan namin ang PCSO para sa hospital bill, dialysis injection, Chemotherapy drugs, at iba pang sakit.
Ang complaint ng karamihan, maaga sila nag-aabang sa pag-log in sa PCSO website. Ang payo ng iba, pinakamagandang oras ay 7:55 ng umaga, ngunit pagpasok ng 8:00am hindi na makapasok dahil na reached na ang budget allocated for the day o kaya tanggapin ng system ng PCSO sa bawat araw.
Ang Presidential Action Center o PACE ay tumatanggap ng walk-in at face to face ang pagsumite ng kahilingang medical, bakit sa PCSO, hanggang ngayon hindi pa rin binibigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap nating kababayan? Papaano kung patuloy pa rin hindi makapasok sa online application?
Nangako si chairman Junie Cua na pabibilisin ng charitable institution ang pagproseso ng pagkakaloob ng medical assistance na kailangan ng mga nagkakasakit.
Masusing pinag-aaralan ng PCSO ang pagbabawas ng step o hakbang na tingin nila ay redundant o paulit-ulit lamang para mapabilis ang pagkakaloob ng tulong.
Ito aniya ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong BBM para sa lalong pagbutihin ang paghahatid ng serbisyo sa taong bayan.
Nais ni chairperson Cua na mula isang Linggong proseso ay maging isang araw na lamang lalong-lalo na sa National Capital Region, at hanggang dalawang araw para sa ilang mga medical assistance service.
Balak pa naman ng PCSO na gawing digital ang transaksyon sa lahat ng branches nito sa buong bansa.
Nais din ni chairperson Cua na madagdagan pa ang mga      taong nabibigyan ng tulong ng PCSO lalong-lalo na mula sa sektor ng mga mahihirap.

Previous articleSean, babu na sa paghuhubad!
Next articleLotto Draw Result as of | August 21, 2023