
IDINAAN sa social media ng mga magulang ng mga mag-aaral sa Makati City ang kanilang hinanakit dahil palpak umano ang school supplies na ipinamamahagi nitong school year 2023-24 sa mga estudyante.
Bakit nga naman masasabing palpak? Hindi na maisuot ng mga batang mag-aaral ang ipinamamahagi at ipinagmamalaking libreng uniporme at sapatos dahil ibinatay sa dating sukat ng mga estudyante ang mga ipinamigay na uniporme at sapatos. Eh, di masikip na para sa bata.
Tanong tuloy ng mga magulang, hindi raw ba naisip ng kinauukulan ng Makati City na lumalaki ang mga bata kaya dapat, hindi āyung mga kinalakihan na nilang uniporme at sapatos ang ipamamahagi.
Nag-trending tuloy sa social media ang hashtag na #Swap dahil sa dami ng mga magulang na naghahanap nang makakapalitan ng mga uniporme at sapatos para sa kanilang mga anak.
Ayon sa mga galit na galit na magulang, dapat may naganap na pagsusukat Ā man lang bago nagsimula ang klase upang masigurado na magagamit ang mga nasabing damit at sapatos nang sa gayon ay hindi maaksaya ang pondong inilalaan ng Makati City.
May kanya-kanya tuloy na patutsada ang mga magulang na kabilang sa FB group ng Makati at isa nga rito ang nagsabi pa na hindi raw lahat ay nabibili ng pinakamayamang siyudad tulad ng lang ng ācompetenceā. Ganito raw ba ang alagang Makati?
Isa naman ang nagbiro ng #Ganito kami sa Makatiā na naging slogan na sa panahon pa ni dating Mayor at naging Bise Presidente Jejomar Binay na minana ng kanyang anak na si Mayor Abby Binay.
May nag-konek naman ang maling sukat ng uniporme at sapatos na ipinamahagi sa mga mag-aaral sa naging desisyon ng Korte Suprema na ilipat sa hurisdiksiyon ng Taguig City ang mga EMBO Barangays.
Hindi na raw nakapagtataka kung natalo sa napakalaking usapin ang napakayamang lungsod sa dating hindi gaanong mayamang Lungsod ng Taguig dahil sa pagsusukat lamang ng uniporme at sapatos ng mga bata ay napalpak pa.
Wala pang reaksiyon dito ang kampo ng alkalde ng Makati bagamaāt lagi namang bukas ang ating pitak para makuha naman ang kanilang panig para sa patas na pamamahayag.