Home NATIONWIDE Hinihinalang onion smuggling iniimbestigahan ng BPI

Hinihinalang onion smuggling iniimbestigahan ng BPI

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Bureau of Plant Industry ang hinihinalang mga kaso ng onion smuggling kasunod ng sumbong na ibinibenta online ang imported na sibuyas.

Sa briefing nitong Martes, Pebrero 27, nilinaw ni BPI director Glenn Panganiban na hindi naglabas ng anumang phytosanitary at sanitary permits ang ahensya na kailangan para makapag-import ng sibuyas.

“Yung alleged smuggled goods, they carry the risk of sanitary pests and diseases kaya po sana wag natin tangkilikin yon,” ani Panganiban.

“Kung yan ay walang proper na documentation at hindi na inspeksyon, maaari po na may risk sa ating health kung ating ikokonsumo,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, binubusisi na rin nila ang mga sumbong na ibinibenta online ang mga inismagel na sibuyas.

“Yang internet at social media, mahirap i-regulate, pero rest assured we are coordinating with the proper authorities and law enforcement units,” sinabi ni Panganiban.

“We have checked online pages, marketplaces — hindi naman ganon kalaki, but we have to check and verify the data.”

Naunang pinalutang ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ang ulat na ito na ibinibenta ng mura ang smuggled onions online dahil mas mura ito kumpara sa farm gate price ng lokal na sibuyas.

Ang presyo ng lokal na sibuyas ngayong taon ay mas mababa dahil sa mataas na volume ng supply.

“Yung farm gate price natin ngayon nasa P28 to P30/kilo,” ani Lee.

Kamakailan ay sinupalpal ng grupo ng mga magsisibuyas ang Department of Agriculture dahil sa pag-aangkat ng sibuyas, dahilan para bumaba ang presyo ng mga lokal na sibuyas. RNT/JGC

Previous article22 estudyante sugatan sa bumaliktad na kuliglig
Next article2 mananaya mula Nueva Ecija, Manila maghahati sa P70.8M jackpot sa Mega Lotto