Home HOME BANNER STORY Hinihinalang overpriced camera iimbestigahan ng DepEd

Hinihinalang overpriced camera iimbestigahan ng DepEd

167
0

MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang panibagong isyu na naman ng di-umano ay overpriced cameras.

“Maasahan po ninyo that we will look into this,” sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa sa panayam ng CNN Philippines nitong Miyerkules, Pebrero 1.

Nitong Martes, ibinahagi ng aktibistang si Renato Reyes ang Facebook post ng photographer na si Jhun Dantes na sinabing isang Canon DSLR camera ang binili ng DepEd, na ayon sa sticker sa device, nagkakahalaga ito ng ₱155,929.

Ani Reyes, ang kaparehong mga model ay nagkakahalaga lamang ng P23,000 online.

Burado na ngayon ang orihinal na Facebook post.

“It was being claimed that certain cameras were procured back in 2019 if I’m not mistaken and when I looked into it ang nasa picture was an entry level camera,” ani Poa.

“But when I asked the Public Affairs service regarding the cameras being used by DepEd, lahat naman po yan Mark 4, so hindi po sya yung entry level na camera.”

Matatandaan na noong Enero 19, inirekomenda ng Senate Blue Ribbon ang paghahain ng kasong graft at corruption laban kina dating Department of Budget and Management procurement service head Christopher Lloyd Lao at iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng DepEd dahil naman sa mga “overpriced” laptop na binili noong 2021.

Upang maiwasan na ang mga ganitong isyu, ayon kay Poa, bubuo ang DepEd ng opisina na tututok sa procurement process ng ahensya.

Samantala, nanawagan naman ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, sa DepEd at Commission on Audit, maging sa mga mambabatas, na tingnan ang pinakabagong isyu na ito ng overpricing. RNT/JGC

Previous article2 colorum TNVS firm sinita ng LTFRB
Next articlePascual bilang DTI chief aprub sa CA