Home NATIONWIDE Hirit na ‘Jesse Robredo Day’ tuwing Aug. 18, tablado sa Palasyo

Hirit na ‘Jesse Robredo Day’ tuwing Aug. 18, tablado sa Palasyo

MANILA, Philippines- Hindi pinayagan ng Malacañang ang hirit ng Naga City, Camarines Sur na ideklara ang August 18 bilang isang special non-working holiday sa lungsod bilang paggunita sa death anniversary ni dating Mayor Jesse Robredo.

Sa liham na may petsang August 17, ipinagbigay-alam ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Anna Liza Logan kay Mayor Nelson Legacion ang desisyon ng Malacañang, batay sa Republic Act No. 10669 o ang “Jesse Robredo Day” na nagtatakda sa August 18 bilang isang special working holiday.

“Given that there is already a legislative enactment, this Office is constrained to deny your request,” pahayag ni Logan.

“Notwithstanding the foregoing, this Office recognizes the importance of the commemoration of the death anniversary of Jesse Robredo to the people of Naga City,” dagdag niya.

Si Robredo ang dating secretary of the interior sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, nang mamatay siya sa plane crash noong August 18, 2012.

Bago mapabilang sa Gabinete ni Aquino, matagal siyang nanungkulan bilang alkalde ng Naga, kung saan kinilala ang kanyang integridad at inobasyon sa pamamahala.

Nakatanggap din siya ng Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2000, ang unang alkalde na ginawaran ng nasabing parangal. RNT/SA

Previous articlePinas nagbabala: Illegal fishers sa WPS ‘di palalampasin!
Next articlePERSONA NON GRATA