MANILA, Philippines – Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng 70 bata sa pamamagitan ng kanilang magulang at guardians na humihiling na atasan ang pamahalaan na maglaan ng libreng medical services at lunas sa mga batang naturukan noon ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ipinaliwanag ng SC na wala itong supervisory powers sa executive departments at sa mga ahensya sa ilalim ng sangay ng ehekutibo.
“These administrative agencies possess the competence, experience, and specialization in their respective fields. On the other hand, this Court does not have the expertise..to resolve these technical issues.”
Ayon sa korte, nabigo rin ang mga petitioner na magbigay ng mga scientific at empirical bases para suportahan ang kanilang petition for mandamus.
Nakasaad sa desisyon na walang nailabas na pag-aaral at research ang mga petitioner para patunayan na hindi abot sa health standards ang Dengvaxia vaccine.
Ayon sa SC, walang sapat na scientific grounds upang patunayan na nagkamali ang Food and Drug Administration at Department of Health sa pag-apruba at pagamit ng naturang bakuna. Teresa Tavares