Home NATIONWIDE Hirit ng EU sa DOJ na palayain na si De Lima, dedma...

Hirit ng EU sa DOJ na palayain na si De Lima, dedma kay Remulla

277
0

MANILA, Philippines – Ipinagkibit-balikat lamang ni Justice Secretary Crispin Remulla ang panawagan ng mga mambabatas mula European Union (EU) na palayain na at ibasura ang lahat ng kaso laban kay dating Senador Leila de Lima.

Sinabi ni Remulla na hindi siya maaaring makialam sa drug case na kasalukuyang nakasampa sa korte.

“I cannot interfere with the courts,” ani Remulla.

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga miyembro ng EU Parliament subcommittee on human rights sa pagbasura ng korte sa hiling ni De Lima na makapagpiyansa.

Ipinunto ng EU na ang anim na taon na pagkakulong sa dating senador ay hindi makatwiran dahil wala itong legal na basehan bukod pa sa nababalewala anila ang pandaigdigan na pamantayan sa karapatan sa patas na pagdinig. Teresa Tavares

Previous articleSpecial court sa smuggling cases hirit ng agri group
Next articleZambales inuga ng M-4.8 na lindol, naramdaman sa QC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here