Home NATIONWIDE Hirit ni Bantag na paglilipat ng kaso sa Ombudsman, ibinasura ng DOJ

Hirit ni Bantag na paglilipat ng kaso sa Ombudsman, ibinasura ng DOJ

76
0

MANILA, Philippines- Nabigo si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa kanyang petisyon na ilipat ang criminal complaint laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) nitong Martes ang motion for reconsideration ni Bantag, na nangangahulugang ipagpapatuloy ng panel of prosecutors ng ahensya ang hearing ng kanyang murder complaint kaugnay ng pagkamatay ng radio broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Sinabi ng abogado ni Bantag na si Rocky Balisong, na may panibagong hearing sa Feb. 8 kung saan kailangang magsumite ng respondents ng kanilang counter-affidavit.

Subalit, sinabi ni Balisong kailangan nilang pag-aralan ang kanilang legal options.

“We have to respect kung ano ang disposition ng panel,” pahayag niya. “In the same manner that we should be respected in whatever legal remedies that we’ll have.” RNT/SA

Previous articleDeliberasyon ng MIF sa Senado, umarangkada!
Next article‘Tipsters’ ng PNP, binigyan ng P1.8M pabuya