Home METRO Hit-and-run sa basketbolista sa Cebu, kaso ng road rage – police

Hit-and-run sa basketbolista sa Cebu, kaso ng road rage – police

MANILA, Philippines – Lumabas na kaso pala ng road rage ang pagkamatay ng 23-anyos na lalaki sa hit-and-run incident.

Ito ng napag-alaman ng Cebu City Police Office (CCPO) matapos na makapaghain ng murder complaint laban sa suspek na kinilalang si Aaron Karl Tan.

Sa pamamagitan ng mga saksi at ilang camerage footage sa lugar, nakumpirma ng mga imbestigador na si Tan nga ang driver ng Mazda CX7 na may plakang YKK-161, na natukoy na bumangga kay Jeslar Larumbe, isang pausbong na basketball player sa probinsya.

Ayon kay Police Col. Ireneo Dalogodog, hepe ng Cebu City Police Office, nagdesisyon silang maghain na ng murder complaint laban sa suspek dahil lumabas sa imbestigasyon na sinadyang banggain ng suspek ang motorsiklo ng biktima.

Ani Dalogdog, ang road rage ay nagsimula pa lamang sa Gorordo Ave. corner F. Sotto Drive.

Aniya, nilampasan ng biktima ang pulang ilaw sa stoplight saka nabangga ang sasakyan ng suspek.

Hinabol ng suspek ang biktima hanggang mabangga niya ito pagsapit sa Queens Road sa Barangay Kasambagan.

Sa security footage, nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima nang ito ay mabangga. Kaagad naman na tumakas ang suspek.

Itinanggi naman ng suspek ang ginawa, at sinabing nasa bahay lamang siya mag-hapon nang mangyari ang insidente.

Salungat naman ito sa nakuhang ebidensya ng pulisya.

Siniguro naman ni Dalogdog na malakas ang ebidensya na nakalap ng mga pulis laban sa suspek.

Kasama ang dalawang abogado, humarap si Tan sa CCPO noong Miyerkules, Pebrero 7, at sinabing ang kaibigan niyang babae ang nagmamaneho ng sasakyan nang mangyari ang insidente.

“I told him, if you were not the one who drove the vehicle, why did you not ask your friend why she was using a siren and blinkers. According to him, his friend told him that he was sleepy and just laughed at him. He said he decided to go back to sleep after talking to his friend,” ani Dalogodog. RNT/JGC

Previous articleDalagita at ginang nilamon ng ilog
Next articleKelot pinugutan sa Samar