Home ENTERTAINMENT Hiwalayang Echo-Kim, pinusuan!

Hiwalayang Echo-Kim, pinusuan!

Manila, Philippines- Dumarami ang mga nakikisawsaw sa hiwalayan sa pagitan nina Jericho Rosales at Kim Jones.

Almost four years din silang nagsama, at kamakailan nga lang nabunyag na matagal na pala silang hiwalay.

As expected, marami ang nanghihiyang that they ended up separated.

Pero kasabay ng panghihinayang na ‘yon ng mga netizens ang analysis na naiwasan sana ang hiwalayan.

Kung nagkaanak daw sana si Kim sa loob ng panahon ng kanilang pagsasama ni Echo, separation could have possibly been averted.

Gayunpaman, marami ang pinabilib ng ex-couple. Maraming netizens din angb pinusuan ang mga posts tungkol sa kanilang hiwalayan.

Hindi raw kasi sila katulad ng karamihan sa mga showbiz couples na pagkatapos maghiwalay ay siraan nang siraan as though minsan isang panahon ay hindi nila minahal ang isa’t isa.

Sabi nga, when a chapter of a relationship closes, memories are all that remain.

Pero sa kaso nina Echo at Kim ay burado nang lahat sa Instagram ng huli ang litrato nila ng aktor, as in walang natira kahit isa man.

Samantala, nasa IG pa rin ni Echo ang dadalawa na lang na photos nila ni Kim.

Ang kaso, kuha pa ‘yon noong 2021–taon kung kailan hiwalay na sila!

At presstime, hindi malinaw what caused the breakup.

Ang “press release” lang is that they both want to grow as far as their careers are concerned.

But assuming na pangit man ang naging mitsa ng kanilang paghihiwalay, the fact remains that by not sharing it with the public ay naroon pa rin ang respeto nina Echo at Kim sa isa’t isa.

Hindi ba’t gusto mong sabihing: “Sana all!”? Ronnie Carrasco III

Previous articleAljur, ‘missing in action’!
Next articleKatrina, nagluluksa sa pagkasawi ng partner!