Home NATIONWIDE Hoarding, profiteering at cartel swak sa economic sabotage – Senate panels

Hoarding, profiteering at cartel swak sa economic sabotage – Senate panels

55
0

(c) Cesar Morales

Nilabas na ng Senate Committee on Agriculture ang Food na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar katuwang ang Committee on Justice at Committee on Finance at Ways and Means Committee ang report nito tungkol sa isyu ng agricultural smuggling sa bansa.

Sa ilalim ng Committee report 118, nirerekomenda ang pag repeal sa Republic Act 10845 at pagkonsidera sa Senate Bill 2432 kung saan sa ilalim ng panukala ay mas idedetalye ang mga krimen at okasyon na maikokonsiderang agricultural economic sabotage.

(c) Cesar Morales

Nakapaloob dito na bukod sa agricultural smuggling ay maituturing na rin na economic sabotage ang hoarding, profiteering at cartel kung ang halaga ng masasangkot na produktong pang agrikultura ay aabot ng isang milyong piso pataas.

Ang mga lalabag sa ipinapanukalang batas ay makukulong ng walang piyansa at papatawan ng multa na katumbas ng tatlong beses na halaga ng smuggled fishery at agricultural products. RNT

Previous articleAlituntunin sa medical aid for indigents pasisimplehin ng DOH
Next articleMabigat na parusa sa nagbebenta ng registered SIM, hirit sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here