MANILA, Philippines- Naniniwala si Senator Risa Hontiveros na dapat palakasin ng bansa ang pagsisikap nito na ituro sa mga Pilipino an ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari ng Pilipinas.
Ito ay kasunod ng pinakabagong water cannon attack ng China laban sa Philippine Coast Guard vessel.
“Paulit-ulit din ang pag-giit ng Tsina na kanya daw ang ating karagatan,” wika niya.
“We, in government, must double down on our efforts to educate our public and campaign for the one and only truth: ‘Atin ang West Philippine Sea,’” giit ni Hontiveros.
Gayundin, sinabi ni Hontiveros na nakaaalarma ang pinakabagong agresyon ng China, pero “not entirely surprising.”
Batay sa datos mula sa Department of Foreign Affairs, nakapaghain na ang bansa ng 125 diplomatic protests laban sa China sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/SA