Home ENTERTAINMENT HORI7ON nagkamit ng parangal sa 11th Korea Hallyu Awards

HORI7ON nagkamit ng parangal sa 11th Korea Hallyu Awards

SOUTH KOREA – Nag-uwi na naman ng parangal ang K-Pop group na HORI7ON.

Ito ay makaraang gawaran ang grupo ng parangal nang manalo sa “Overseas Rising Star Category” ng 11th Korea Hallyu Awards na ginanap sa Baekbeom Kim Gu Memorial Hall nitong Miyerkules, Disyembre 20.

“It is such an honor to receive this award. “Our efforts feel more valuable,” sinabi ng HORI7ON.

“We will grow into a group with refreshing charm and music that everyone can relate to,” dagdag pa ng grupo.

Ipinakita ng HORI7ON ang kanilang talento at charisma sa kanilang awiting “SIX7EEN.”

Matatandaang nanalo rin ang grupo ng “AAA FOCUS AWARD” sa Asia Artist Awards 2023 noong nakaraang linggo.

Kumpirmado na magkakaroon ng comeback ang HORI7ON sa Enero ng susunod na taon. RNT/JGC

Previous articlePuganteng Korean na higit 1 dekadang nagtago timbog sa BI!
Next articleHindilyn nais maging inspirasyon ng batang atleta sa Batang Pinoy