Home LOCAL BIZ HOROSCOPE FEBRUARY 10, 2023

HOROSCOPE FEBRUARY 10, 2023

136
0

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Mas maganda kung ikaw na lang ang magtitiyagang manligaw sa kanya. Bagay ka naman sa kanya. Baka akala kasi ng iba, hindi siya maganda. Pero, para sa iyo, maganda siya at malakas ang kanyang dating. Magugulat na lang sila sa magiging transformation nito kapag pinormahan mo na ang babes. Aba’y jackpot ka pala kasi gusto na niya talagang magkaroon ng kasintahan. Galante ito kapag naging dyowa mo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Huwag mong pilitin ang iyong sarili na baguhin dahil lamang sa naririnig mo sa ibang tao. Iba na ang salitang maganda ngayon. Kahit medyo sobra ka sa timbang, maganda ka pa rin saka seksi. Ang ibang mga lalaki ay naseseksihan sa chubby. Kaya, huwag kang madismaya. Crush ka pa rin ng crush mo.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Nasa iyong kamay ang ikatatagumpay ng inyong proyekto sa pamayanan. Kung ito’y pagtutuunan ng pansin at pagmamalasakitan, magtatagumpay ito. Maging involved ka rito dahil kahit hindi ay magiging apektado ka. Kasi, nagmamalasakit ka at ito ang laman ng puso mo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Iwasan ang masyadong mag-iinom ng kape. Lalo na kung maghahating-gabi na. Bukod sa ma-jebs ka ng wala sa hulog at ihi ka pa ng ihi. Ang dagdagan mo ay ang pag-inom ng tubig. Hindi lang walong baso sa isang araw. Kundi, isa’t kalahating galon. Pwede mo nang galawin ang ipon mo sa isang alkansya para bilhin ang gusto mo. Makakatulog ka pa naman ng mahimbing kahit magalaw mo pa ito.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magagalit ang misis mo kapag kalapati ang inalagaan mo. Ang gusto niya ay 45 days na manok. Para hindi puro tuyo at tinapa lang ang ulam n’yo kada weekdays. Baka masira raw bubong n’yo. Sundin mo siya at pwede namang mag-alaga nito sa likod ng bahay n’yo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag kang magdamdam kung hindi agad natutupad ang gusto mo na madalas mo idinadalangin sa Maykapal. Matuto kang maghintay. Hindi ‘yan basta-basta instant gaya ng noodles na ready to eat na. Basta, magsumikap ka lang at magugulat ka. Baka nasa itaas ka na at nakatingin ka na lang sa ibaba. Samakatuwid, titingalain ka ng mga taong minamaliit noon ang kakayahan mo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Nang dahil lang sa aberya sa SIM registration ng GF mo, maiinis siya, hindi sa iyo kundi sa wi-fi nila. Ang bagal daw. Tapos, pinapatay pa ng ermat nila kapag umuulan tapos kumukulog pa at kumikidlat. Pwede mo siyang dalawin basta may dala kang pasalubong. Magpakilala ka na sa nanay niya at baka boto pa ito sa iyo. Huwag mong ilihim ang relasyon n’yo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung patuloy ka pang kumakapit para sa inyong pagmamahalan; gayung nahihirapan ka nang pakisamahan siya, kayanin mo para mapagtanto niya kung gaano mo siya kamahal. Anomang pagsubok ang inyong kaharapin basta maging matatag sa tiisin at maging malawak ang pang-unawa ay mapagtatagumpayan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi sa lahat ng panahon ay maasahan mo ang iyong mga kaibigan pagdating sa pera. Lahat ay magdaraan sa kakapusan. Kaya, kung may pera, magsinop at magtabi. Sa gayun ay may madudukot ka kapag kinapos. Makaiiwas ka pa sa kahihiyan dahil kung uutang ka, baka malaman pa ang kalagayan mo at ipagsabi pa ito ng ilan sa iba.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ang pagbibiro dapat ilagay minsan sa lugar. Baka makasakit ka ng damdamin ng iba. Timbangin mo ang taong bibiruin mo. Dahil kahit alam ng iba na kengkoy kang tao ay mayroon pa ring sensitibo ang damdamin. Ang pagiging magiliw sa bagong kakilala ay magbubunga ng agarang pagtitiwala patungkol sa negosyo.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Kung balak mo nang mag-propose sa kanya, huwag kang magpapahalata. Gawin mo ito sa isang pagkakataong hindi niya inaasahan. ‘Yung tipong hindi siya mabibigla sa pilit lang. Ito na taon na dapat mong gawin ito dahil matagal na niya itong inaasahan sa iyo. Tiyak na hindi ka mabibigo.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Hindi lahat ng iniisip mong kailangan mo, talagang kailangang mo. Ang iba ay hindi naman mahalaga at maaaring magbutas ka lang ng bulsa. Tipirin ang salapi dahil mahirap itong kitain. Kung magse-set-up ka ng small business, maging ito man ay pagtitinda ng kakanin, online selling o street foods, tiyak na kikita ka.

Previous articleKuya Will, asa pa rin sa AllTV; Wowowin, lilipat sa Star Mall!
Next articlePatuloy na pagkuha sa Pinoy seafarers, tiniyak ng Japanese shipowners kay PBBM