Home LOCAL BIZ HOROSCOPE FEBRUARY 2, 2023

HOROSCOPE FEBRUARY 2, 2023

116
0

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Panahon na upang bigyan mo ng atensyon o pansin ang aspektong espirituwal. Ibalik mo ang dating alab o sigla ng iyong paglilingkod, anoman ang kinaaniban mong relihiyon. Mas mapapabuti pa nito ang iyong pagkatao at dadaloy ang pagpapala sa aspektong pinansiyal, kalusugan at pakikipagkapwa-tao.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Maliit man o malaki ang natatanggap mong biyaya, magpasalamat ka pa rin sa nasa Itaas. Sa kabila ng iyong hirap na sinagupa ay nakatatayo ka pa rin at nakararaos sa araw-araw. Anoman ang nakabinbin na proyekto o gawain na mahalaga sa iyo, lalo na kung pagkakakitaan ay bigyan mo ng panahon at atensyon.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi maganda na sumabay ka sa agos o pananaw ng ibang tao sa pangmamata sa kanilang kapwa-tao. Lalo na yung mga kapos at hindi naman gaanong mapera. Iwasan mo ang mga ganitong uri ng tao dahil ipapahamak ka rin ng mga ito. Umasa ka na ang iyong idinudulog na pag-ibig sa isang taong mahirap abutin ay tutugunin nito.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kahit na may kinakaharap kang mga problema, huwag mong hayaang madaig ka ng panlulumo at panghihina. Kusa ring lalampas ang mga iyan kung tatatagan mo ang iyong loob. Kung dating walang-wala ka, ngayo’y maambunan ka na ng malaking biyaya. Kung matagal ka nang naghihintay ng isang katulad niya, magugulat ka na siya pa mismo ang gagawa ng paraan upang mapalapit sa puso mo. Na magiging dahilan upang lumigaya ng buhay mo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi lahat ng bagay ay alam mo. Kaya, matutong alamin ang mga bagay-bagay sa paligid. Makinig sa opinyon at karunungang taglay ng iba na ibinabahagi sa iyo. Isang dating kakilala ang magpaparamdam sa iyo. Tugunin siya dahil malaki ang maitutulong niya para sa binabalak mong proyekto. Iwasang magpagabi sa pamimili. Gawin ito ng mas maaga.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Dapat sa inyong magkasuyo ang magmahalan sa halip na mag-asaran sa bahay. Huwag kang magsasawang suyuin siya kahit kasal na kayo dahil mas lalo mo siyang pinakikilig sa gayun. Ang iyong asawa ang suwerte sa iyong pagsisikap sapagkat isa siya sa pinagdadaluyan ng biyaya buhat sa Maykapal. Kaya, kung hindi ka sweet sa kanya nitong mga nagdaang araw, maging sweet ka na ngayon.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Pilitin mang ibalik ang dating tamis ng inyong pagtitinginan, pwede pa. Basta’t hindi pa nauubos ang pagmamahal at pang-unawa ng iyong kasintahan sa iyo. Gawin mo siyang inspirasyon sa iyong paghahanapbuhay upang maging matagumpay ka sa pag-abot ng inyong mga pangarap. May maganda kang matatanggap na sorpresa sa mga susunod na araw.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mo nang ipagpabukas pa ang pagtupad sa isang gampanin o pangako. Mahalagang gawin mo na ito ng maaga. Sa gayun, kung may matatanggap kang imbitasyon ng hindi naman gaanong mataros na pagsasaya ay iyong mapauunlakan ang isang paanyaya.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung ikaw, may transaksyon tungkol sa pahulugang produkto, huwag kang papayag na hindi makapagbayad sa takdang panahon ang mga taong kumuha sa iyo ng item. Sasakit lang ang iyong ulo sa mga ito. Hangga’t maaari, kung kaya namang magbayad ng iba o payag sa kaliwaan, singilin mo na. Sa gayun ay mapatakbo mo ng maayos ang iyong negosyo.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Hindi dapat ipinagsasabi sa iba kahit na sa iba pang kaibigan ang paglapit o paghingi sa iyo ng tulong ng isa pang kaibigan. Lalo na kung may kinalaman ito sa pinansyal. Lawakan din ang pang-unawa sa mga taong makakasalamuha dahil hindi arok ng iba ang iyong kaalaman. Paghandaan ang isang nalalapit na proyekto.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Ang katigasan ng ulo ngayon, magbubunga ng mabuti. Ito ay dahil sa hindi ka lumambot sa pakiusap ng isang tao na ang layun ay manloko lamang. Kaya, huwag kang kakagat sa kanyang alok patungkol sa investment o may kinalaman sa pananalapi. Ang pagiging sweet sa kasuyo ang magbibigay sa kanya ng sigla upang gumaling agad sa pagkakasakit.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Hindi mainam na makipagtalo ka pa sa isang taong pilosopo at sarado ang pag-iisip. Wala kang mapapala sa isang taong ayaw tumanggap ng suhestiyon at opinyon ng iba. Ang kinita sa isang malaking transaksyon ay ilaan sa binabalak sa negosyo, maliit man ito o malaki.

Previous articleDavao de Oro niyanig ng M-6 quake
Next articlePinas may 199 bagong COVID cases