Home NATIONWIDE House panel tinawag na ‘kangaroo court’ kasunod ng pagpapatalsik kay Teves

House panel tinawag na ‘kangaroo court’ kasunod ng pagpapatalsik kay Teves

MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ng kampo ng pinatalsik na mambabatas na si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nitong Miyerkules ang desisyon ng Kamara na sibakin siya sa Kamara, na tinawag nitong “kangaroo court.”

Sinabi ng abogado ni Teves na ang proceedings ng House Committee on Ethics and Privileges “are nothing but that of a kangaroo court.”

“From the start of the proceedings, it bore all the hallmarks of an inquisition: the Committee was the motu proprio Complainant, making it both the accuser and the judge; Rep. Teves was never allowed to participate in the proceedings by himself, but only through letters of his counsel, who were never even allowed to present,” pahayag niya.

Iginiit din niya na isinikreto ang mga pagdinig, at ang pinal na rekomendasyon “shows that there was never a bona fide intention to consider the evidence in favor of Mr. Teves.”

“To make matters worse, while the Committee was overly strict in not allowing Rep. Teves to participate in the proceedings, it chose to disregard Section 2 of its own rules which provides that proceedings in the Committee shall be deferred if any matter under discussion is before a judicial, quasi-judicial or administrative body, until after final judgment therein,” dagdag ni Topacio added, na binanggit pa kung paano hi ndi sumunod ang Komite sa utos na ito kahit na binubusisi pa lamang ang isyu ng pagtukoy kay Teves bilang isang terorista.

“Having been liberated from the procedural and legal monstrosities of both the DOJ and the HOR, we can now shift the battle to for a where, it is hoped, we will get fairness and due process,” giit ng abogado.

Sa ikalawang plenary session, sa botong 265-0-3, bumoto ang Kamara na tanggalin si Teves bilang mambabatas na kumakatawan sa ikatlong distrito ng Negros Oriental. RNT/SA

Previous articleUS Embassy sinita ng DFA sa paglapag ng military plane sa NAIA
Next articleAndrea, napatawad na si Ricci, willing makipagkita!