Home HOME BANNER STORY House Speaker: Onion hoarders aktibo na naman

House Speaker: Onion hoarders aktibo na naman

246
0

MANILA, Philippines- Ipinatawag ni House Speaker Martin Romualdez ang Bureau of Plant and industry (BPI) officials sa kanyang opisina upang makapagpaliwanag sa kanya at sa iba pang House leaders kung bakit muli na namang namamanipula ng hoarders ang presyo ng sibuyas.

Ito ay matapos sabihin ni Romualdez nitong Miyerkules na ang presyo ng sibuyas sa pamilihan ay nagsimula na naman”to skyrocket from P90 to P180 per kilo recently.” Binanggit niya ang monitoring ng House Committee on Agriculture and Food para sa impormasyon.

“Nagsisimula na namang maging aktibo ang mga hoarders at price manipulators ng sibuyas. We will nip this problem in the bud,” anang Leyte 1st district congressman. 

“Hindi natin papayagan na pumalo ang presyo nito sa halagang di abot-kaya ng ordinaryong Pilipino,” dagdag niya.

Ang BPI ay isang attached agency ng Department of Agriculture (DA).

Noong December 2022, umabot ang presyo ng sibuyas sa P700 kada kilo, na mas mahal pa kaysa sa karne.

Dahil sa pagsirit ng presyo kaya ipinag-utos ni Romualdez sa agricultural and food panel na magsagawa ng imbestigasyon sa agricultural hoarding. Nagsimula ang imbestigasyon noong Pebrero.

Nitong Miyerkules, itinuloy ng panel ang pagbusisi sa unang pagkakataon sa second regular session. Dumalo sa pagdinig si BPI Director Glenn Panganiban, na sinabi sa House members na kasalukuyang pumapalo ang presyo ng sibuyas sa P140 hanggang P170 kada kilo. 

Inihayag ni Romualdez na naibenta na ng onion farmers ang kanilang ani sa wholesalers, subalit kulang pa rin ang suplay na nagresulta sa mas mataas na presyo ng sibuyas.

“Ibig sabihin, nasa cold storage na ang mga ito at pinipigil lang ang release sa market para mapataas ang presyo. Ito ang modus operandi na nadiskubre ng House committee kung kaya napatigil natin ito noon,” anang Speaker. RNT/SA

Previous articleSouth China Sea code of conduct talks sa pagitan ng ASEAN, Tsina kasado sa Aug. 22-24
Next articleZubiri pabor sa pagsasaayos ng BRP Sierra Madre

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here