Home NATIONWIDE Housing, agri value chain isaprayoridad sa railway expansion – Hontiveros

Housing, agri value chain isaprayoridad sa railway expansion – Hontiveros

226
0

MANILA, Philippines – Sa gitna ng pagpapalawak ng railway system sa bansa, inihayag ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na dapat bigyang prayoridad din ng pamahalaan ang socialized housing at an g agricultural value chain.

Inihayag ito ni Hontiveros matapos lagdaan ang tatlong contract packages na nagkakahalagang P50 bilyon para sa North-South Commuter Railway Project. Sakop ng kontrata ang mahigit14.9 kilometers n g elevated railways at viaducts na itatayo sa Blumentritt, Buendia, EDSA, Senate, Bicutan, at Sucat.

“Hindi lang problema sa transportasyon ang pwedeng matugunan ng railways projects. Isa rin itong oportunidad para makapagtayo ng mga abot-kayang pabahay at maging tulay sa pagitan ng mga magsasaka at pamilihan sa siyudad,” aniya.

Sinabi ni Hontiveros na dapat samantalahin ng pamahalaan ang proyekto sa pagpapalawak ng market access ng magsasaka mula sa rural areas na magreresulta ng mas mataas na demand ng produktong agrikultural at maaaring tumaas ang kita ng ating magsasaka.

“Railways can connect remote and rural agricultural areas with urban centers and export markets. Konektado na ng tren mula Clark hanggang Calamba at sa long haul project hanggang Bicol . Dapat samantalahin ito ng gobyerno para sa wakas ay mapadali na para sa mga masasaka ang mai-angkat ang produkto sa mga palengke sa siyudad,” ayon kay Hontiveros.

“Hindi na kailangang umasa pa ng magsasaka sa mga middlemen na doble managa ng presyo at bibilhin lang sa kanila ng palugi ang mga produkto. Sana nandoon si Presidente bilang Agriculture Secretary dahil sa mga palibot ng itatayong tren na ito pwedeng magkaroon ng patotoo ang paulit-ulit na sinasabi nilang value chain para sa maliliit na mangingisda at magsasaka,” paliwanag niya.

Kasabay nito, sinabi pa ni Hontiveros na dapat mabigyan ng prayoridad ang housing program ng Department of Human Settlements and Urban Development kaysa private property developers sa alokasyon ng mga lote sa paligid ng istasyon ng tren.

“Huwag sanang hayaan na pag-agawan ng mga property developers ang palibot ng mga train station. Kailangan nating bigyan ng puwang ang murang pabahay ng DHSUD para sa mga kababayan natin na hindi kayang magbayad ng mataas na presyo ng mga high rise condominiums,” ani Hontiveros, miyembro ng Senate committee on urban development, housing and resettlement.

“Para walang hirap na makapunta sa trabaho, eskwela, ospital, pasyalan at ibang serbisyo publiko ang 10,000 na pamilya na apektado ng construction ng riles at 50 stations mula Clark hanggang Matnog,” dagdag niya.

Nangako ang mambabatas na kanyang susuportahan ang equitable transit-oriented development (eTOD) ng Department of Transportation at DHSUD sa susunod na budget deliberations.

“Kung sabay na isasaalang-alang ang transportasyon, pagpapalakas ng value chain, at abot-kayang pabahay, magiging malaking kaluwagan ito sa mga commuters,” aniya. Ernie Reyes

Previous articleVillanueva sa ‘Ama Namin’ drag act: Pambabastos sa Diyos!
Next articleBabala ng DOH: Pagkonsumo ng ‘artificial sweetener’ limitahan para iwas-cancer

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here