MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga survivors ng super typhoon Yolanda, 10 taon na ang nakalilipas matapos tumama ang sakuna sa Eastern Visayas.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na 10th Yolanda commemoration anniversary sa Tacloban City, hinikayat ni Pangulong Marcos ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na madaliin ang probisyon ng housing units at land titles para sa mga benepisaryo.
Hinikayat din ng Pangulo ang Yolanda Response Clusters “to work closely with concerned local governments to address the lingering issues of the different affected communities.”
“Let us continue to work hard so that we can provide them with the tools and the resources to rebuild their lives,” ayon kay Pangulong Marcos kasabay nang pagkilala sa city government ng Tacloban “for rising above this challenge and working hard to strengthen the locality’s disaster resiliency.”
Kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang disaster risk reduction and management efforts ng Tacloban sa pamamagitan ng paglikha ng contingency, public service at disaster response plans, kapuwa para sa barangay at city levels.
“Your endeavors to establish emergency evacuation SOPs and emergency response teams are noteworthy and serve as examples for other local governments around the country. Equally important is your collective action to protect and rehabilitate your communities through reforestation, river embankment and stabilization, and other environmental conservation programs,” lahad ng Pangulo.
Nauna rito, binisita ni Pangulong Marcos ang Tacloban City para sa 10th Yolanda Commemoration Anniversary kung saan ay pinangunahan nito ang wreath laying ceremony sa Yolanda Memorial Monument at inalala ang mga biktima ng naturang bagyo.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa international community na nagpaabot ng kanilang tulong sa mga mamamayang Filipino at sa mga biktima ng super typhoon Yolanda (Haiyan), lalo na sa rehabilitasyon ng Tacloban City.
“To the survivors who continue to move forward, we salute your indomitable spirit and character. As we commemorate this 10th Year of Yolanda, let us continue to offer our prayers for our dearly departed, even as we find our own path towards peace, towards healing, [and] towards recovery,” ayon sa Chief Executive.
“To all the national leaders, to all the local leaders, then and now, the private sector, the international [and] local organizations, volunteers, [and] donors: accept our eternal gratitude,” dagdag na wika nito. Kris Jose