Home HOME BANNER STORY Huang sa WPS issue: ‘Follow the guidance of the President instead of...

Huang sa WPS issue: ‘Follow the guidance of the President instead of any officials’

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian nitong Huwebes ang Philippine officials na sumunod sa “guidance” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “instead of any officials” sa pagtugon sa West Philippine Sea (WPS) issue.

“We need to follow the guidance of the President instead of any officials,” pahayag ni Huang sa paglunsad ng Manila Chinese Visa Applications Service Center sa Makati City. 

Inihayag ito ni Huang gmatapos sabihin ni Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi kayang magkasundo ng Manila at China sa paghawak sa mga kinahaharap na isyuhangga’t hindi kinikilala ng huli ang 2016 Permanent Court of Arbitration ruling na pumapabor sa una.

Binigyang-diin din ng Chinese official na kailangang tumalima ng Pilipinas sa diskusyon nito sa China sa ginanap na Bilateral Consultation Mechanism (BCM). 

“Both sides agree to handle maritime disputes through friendly consultations and communications. This is the spirit, not only of the BCM but also of the two presidents,” wika niya.

Nanindigan siya na dapat magkasundo ang China at ang Pilipinas upang resolbahin ang territorial dispute sa diplomatikong pamamaraan at ibsan ang umiiral na tensyon.

“We expect that both sides will meet halfway to handle the differences in a diplomatic manner and de-escalate the tensions,” ani Huang. RNT/SA

Previous articlePinoy wanted sa Hawaii sa pagnanakaw
Next articleLEDAC kinansela ni PBBM; hiwalay na nakipagpulong sa Senado, Kamara