Home NATIONWIDE Humawak sa dokumento ng MT Princess Empress, ipinasususpinde – PCG

Humawak sa dokumento ng MT Princess Empress, ipinasususpinde – PCG

294
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda na ng marine casualty team ang suspensyon sa mga personnel na humawak o nag-clear sa dokumento ng MT Princess Empress, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ay dahil sinisilip ng Department of Transporation (DOTr) ang posibleng pagkakasala ng mga nag-clear sa nasabing barko.

“Ginawa na naming lahat ng dapat gawin at kung mayroon pang idadagdag ang DOTr, we will respect the DOTr’s decision. We wil cooperate,” sabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo.

Advertisement

Ayon pa kay Balilo, mula sa simula pa lamang ay nagsagawa na ang PCG ng internal investigation at sinuspinde na ang sangkot na mga tauhan.

Maaalala na lumubog ang MT Princess Empress sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28 kung saan lulan nito ang 800,000 litro ng industrial fuel oil na nakaapekto sa ilang bayan at kabuhayan dahil sa malawakang oil spill. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article12,426 bagong kaso ng COVID naitala mula Mayo 15 ‘gang 21
Next articleSerbisyo ni Tugade, kinikilala ng DOTR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here