PANGARAP lang noong una pero ngayo’y tinatamasa na ang bunga nang minsa’y nasa drawing board lang na plano na hindi inakalan? magtatagumpay na College of Law ng University of Caloocan City.
Taong 2017 nang unang ipakilala ang UCC Colllege of Law ng itinuturing na ‘arkitekto’ nito – si noo’y Mayor Oscar “Oca” Malapitan na nga-yo’y representante ng unang distrito ng lungsod.
At pagkatapos ng limang taong paghihintay, ang unang batch ng law graduates ng UCC na nabigyan ng pagkakataon na sumalang sa bar exam ay nakapagtala ng mataas na 85 percent ng pumasang bar examiners.
Sa tuwa, binigyan ni Malapitan ang mga matagumpay na first batch ng bar passers na ito ng UCC ng ‘cash gift’ bilang premyo at insentibo.
Sa ikalawang pagkakataon, noong Lunes, Mayo 21, ay pinangungunahan ni Mayor Gonzalo Dale ‘Along’ Malapitan ang pagbibigay pugay sa mga bagong abogado na second batch graduates ng UCC College of Law.
Sa naturang okasyon ay personal ding nagbigay ng kanyang pagbati si Rep. Malapitan.
Matatandaang binuksan ang UCC-College of Law noong 2017 sa ilalim ng administrasyon ni Malapitan noong siya ay nanunungkukan bilang alkalde at ito ang naging kauna-unahang state university na may kursong abogasya sa buong CAMANAVA area.
Bukod sa parangal, ang bar passers ay nakatanggap ng cash incentive mula kay Mayor Along.
Base sa naging resulta ng pagsusulit, itinanghal ang UCC-College of Law na Top 3 school na may pinakamaraming pumasa sa lahat ng law schools sa bansa na mayroong isa hanggang sampung bar examiners sa nagdaang Bar Exam.
Dumalo rin sa programa sina Vice-Mayor Karina Teh, Secretary to the Mayor Betsy Lua-kian-Kaw, Department Heads, UCC Officer-in Charge Dr. Marilyn de Je-sus, UCC-College of Law Dean Atty. Roderick Vera, UCC Board of Regents, professors, at law students.