Manila, Philippines – Si Hurry Up Tingson ang isa sa mga bagong sexy actresses na aabangan sa Vivamax. Isa siya sa sa talents ni katotong Mark Ranel Grabador na unang mapapanood sa seryeng Sex Hub na magsisimula na sa June 9.
Bakit Hurry Up ang naging screen name niya?
Nakangiting tugon ng hubaderang aktres, “Nagmamadali na kasi akong maging pornstar, hahaha!”
Esplika pa niya, “Ang role ko sa movie ay asawa ni Alvaro Oteyza, bilang si Myla. Originally po ‘Live House’ ang title niya pero pinalitan po na ‘Sex Hub’, wala po akong idea kung bakit po pinalitan.”
Gaano siya ka-daring sa Sex Hub?
Mabilis na sagot ng newbie sexy actress, “Super wild and kaya ko po ipakita lahat.”
Ano ang ipinakita niya sa Sex Hub, may frontal nudity ba?
“Iyan ang aabangan nila, kaya dapat manood sila ng Sex Hub,” bitin na tugon ng aktres.
Aminado siyang nanonood ng porn. Ilang taon siya unang nakapanood ng porn at ano ang kanyang na-feel?
Pahayag ni Hurry Up, “19 years old ako unang nakapanood ng porn and ang sarap! Nakaka-turn on talaga, hahahaha!”
Pahabol pa niya, “Siyempre hindi na ako virgin noon, hahaha!”
Sa palagay ba niya, nakaka-adik manood ng porn?
“Oo nakakaadik ang panonood ng porn, pero dapat balance lang lagi,” seryosong sambit pa niya.
Huwag palampasin si Hurry Up sa seryeng Sex Hub na tinatampukan nina Karl Aquino, Micaella Raz, Joko Diaz, Alvaro Oteyza, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio Jr. Nonie Nicasio