Home NATIONWIDE Hustisya para sa Mindoro oil spill victims hirit ng CBCP

Hustisya para sa Mindoro oil spill victims hirit ng CBCP

MANILA, Philippines- Nanawagan ng hustisya at tamang kompensasyon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga biktima ng Oriental Mindoro oil spill sa unang anibersaryo ng insidente.

Ang paglubog ng MT Princess Empress noong Pebrero 28, 2023 ay umabot sa dalampasigan ng Verde Island Passage (VIP) sa Batangas na kilalang “Center of the Center of Marine Biodiversity in the World.”

“As we near one year since the oil spill happened in the VIP, we decry the continued elusiveness of accountability on the part of companies behind the oil spill, and erring authorities that contributed to the incident,” sabi ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace and Caritas Philippines.

“We also lend our voice to the call for justice for victims of the oil spill, and for sufficient and timely compensation that genuinely takes into account the damages that fisherfolk communities incur and continue to incur,” dagdag pa nito.

Binigyan-diin din ng grupo na simula nang mangyari ang insidente ay libo-libong mangingisda ang nawalan ng kabuhayan.

“Families had little to eat, and many also suffered illnesses from exposure to pollution. Thousands of hectares of mangroves and seagrasses were placed in peril, and so was the very fabric of life in our seas. The gravity of impacts has yet to be fully measured and continues to ripple today and in years to come,” ayon pa rito.

Kinilala rin ng CBCP at Caritas kung paano nagsilbing “backdrop for action and compassion” ang oil spill para sa mga tao sa Mindoro, gayundin sa mga grupo at indibidwal na nagsanib-pwersa para tumulong sa mga biktima.

Kasabay nito, nagpahayag sila ng pag-asa na ang parehong uri ng pagkakaisa ay maipakikita ngayon “para sa hustisya para sa ating mga kapatid na naapektuhan, at tumawag para sa aksyon upang ang Verde Island Passage ay hindi na muling sumailalim sa isang trahedya tulad ng nabanggit na oil spill sa hinaharap.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article1,594 pasado sa Feb. 2024 master plumbers licensure examination
Next articleEO para sa mas mababang taripa sa e-vehicles bubusisiin