Home NATIONWIDE Hustisya sa mga biktima ng war on drugs, umuusad na – TFDP

Hustisya sa mga biktima ng war on drugs, umuusad na – TFDP

110
0

MANILA, Philippines – Umuusad na ang katarungan para sa mga biktima ng war in drugs ng dating administrasyon Duterte.

Ito ay ayon kay Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) a Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., kaugnay sa desisyon ng International Criminal Court’s (ICC) na tuluyan nang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war killings sa Pilipinas.

Ayon sa Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP),  muli ng nabubuhayan ng pag-asa ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ng war on drugs na makamit ang katarungan at mapanagot ang mga nasa likod ng marahas na kampanya ng nakalipas na administrasyon laban sa ilegal na droga.

Matatandaang batay sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan naitalang aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay.

Kaugnay nito kabilang ang Task Force Detainees of the Philippines at Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa mga institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleInhinyero patay sa tambang
Next articleProteksyon sa mga OFW, ugnayan sa host countries prayoridad ni PBBM